... Continuation of my posting on Kankanaey Literature..."
Upang umunlad ang pambansang panitikan sa Pilipinas, kailangang gawin ang pagsasalin ng mga iba’t ibang obrang sinulat sa iba’t ibang wika sa wikang naiintindahan ng nakararami. Masasabing ang Pilipinas ay nasa ika-apat na yugto sa kasaysayan ng pagsasalin. Sa ika-apat na yugtong ito ginagawa ang pagsasalin ng mga katutubong panitikan upang makabuo ng tunay na pambansang panitikan. Ito ang nangyayari sa halos lahat ng bansa sa daigdig. Nais ng bawat bansa na maihatid sa higit na nakararami ang mga mahuhusay na akdang nasusulat sa iba’t ibang wika.
Ang mga awiting bayan ay mga obrang pampanitikan na karaniwan sa iba’t ibang bayan ng Pilipinas. Sa mga lugar sa Pilipinas kung saan walang kilalang mga manunulat ng panitikan, tanging ang mga awiting bayan na klasikal ang mga naririnig na puwedeng ituring na akdang pampanitikan.
Ang bayan ng Benguet sa Pilipinas ay isang halimbawa ng lugar kung saan walang tanyag na manunulat sa larangan ng Panitikan. Tila walang mga obrang pampanitikan ng mga tao sa Benguet na mababasa sa mga aklat. Subalit, may mga awiting bayan sa Benguet na kung iyong pakikinggan ay maaring ihambing sa mga obrang pampanitikan katulad ng maikling kuwento o kaya ay tula. Tinatalakay sa mga awiting bayan ang mga kulturang panglipunan.
Pronunciation guide: "kung ano ang baybay, siya ang bigkas"
Kankanaey "i" is pronounced just like the "E" in the word "English"
Kankanaey "e" is pronounced just like the "e" in the word "amen"
Adi-ak Kabaelan (Hindi ko Kaya)
Ipigpigsam ay uwang (Lakasan mo, umaagos na tubig)
Ta waday pan-anudan (Upang ako’y magpa-anod)
Tan nay adi-ak kabaelan (Dahil heto’t hindi ko makaya)
Sin eyyak nan-areman (Hangarin ng aking niligawan)
Balasang di Kabayan (Dalaga ng Kabayan)
Siyat wada kanoy malima (Kailangan daw ng mga lima)
Si bosa-ang ay nasawingan Si mail-ila (Na baboy na may pangil na nakikita)
Ammeyak ed Kapangan (Tutungo ako sa Kapangan)
Ta say ek pan-areman (Upang doon ako manliligaw)
Sin kanan da en mankilat ay balasang (Ng sinasabi nilang maputi na dalaga)
Ngem eyak naupa-upay sin kanan di nanakay (Pero ako ay nawalan ng pag-asa dahil sa sinabi ng mga matatanda)
Siyat wada kanoy mailas kap-asan di wasay (Kailangan daw may makitang magagamitan ng palakol)
Bumala ka ay buwan (Lumubas ka, buwan)
Ta enka kod silawan (Para ilawan mo)
Lusong ay kaunegan, pankusnungan (Talon na pinakamalalim na siyang tatalunan)
Tan nay adi-ak kabaelan (Dahil heto’t hindi ko makaya)
Din kanan di iKapangan (Ang sabi ng mga tagaKapangan)
Siyat wada kanoy maguyod si nasakngudan (Kailangan daw may mahihila na may sungay)
ay masakayan ay nabugatan (na nasasakyan na may tuwalya sa tiyan)
Ta eyak et mantamang istasyon ed Loakan (Pupunta na lang kaya ako sa may estasyon sa Loakan)
Ta say eyyak panses-edan si balasang (Para doon ako maghihintay ng dalaga)
Barbareng no way matsambaan (Baka sakaling mataon ako’y makakita)
Sin kanan da en balikbayan (Na tinatawag nilang balikbayan)
Ta asak en i-utangan (Saka ko na lang ipag-uutang)
Uway nas luman nu maseg-ang di Kabunyan. (Bahala na bukas kung may awa ang Panginoon)
Ta asak en i-utangan uway nas luman no maseg-ang di Kabunyan. (Saka ko na lang ipag-uutang, bahala na bukas, kung may awa ang Panginoon.)
Nice Blog sir!
ReplyDeletematry ngang mamemorize yan song na yan hehe.. parang ilokano song dn eh hehe....
Who is the composer of the song po?..thanks!
ReplyDelete