Monday, October 18, 2010

Kankanaey Song - Bumual ka ay Buwan

Para sa Pambansang Panitikan ng Pilipinas


Kabilang sa mga wika ng mga katutubo ng bayan ng Benguet sa Pilipinas ang Kankanaey. Ibaloi at Kalanguya ang iba pang katutubong wika sa nasabing bayan. Hindi madaling humanap ng mga pampanitikan na obra na gumagamit ang wikang Kankankanaey. Mga awiting bayan lamang na pahirapan pa kung hanapin ang mga titik nito ang wari ay mga sinulat sa wikang Kankanaey sa larangan ng Panitikan. Bihira na ang nakakaalam ng mga awit. Kung hindi gagawan ng dokumentsasyon ang mga awiting bayan, maaring makalimutan ang mga awit kasama ang mga mahahalagang kaalaman at mga aral na kanilang nilalaman.

Maraming salamat at paumanhin po sa sumulat at gumawa ng mga awit na aking ipababatid muli sa pamamagitan nitong "blog site". Sana po maintindihan niyo na ang hangarin ko ay dagdagan ang mga "media" kung saan nakikita ang mga magaganda niyong likha upang ang mga ito ay mananatiling naaabot ng mga tao.

The songs have been posted through youtube by some lovers of local music. In fact, I found the copies of the beautiful songs through YOUTUBE. I went to check some music studios in Baguio City because I wanted to buy legal copies of the songs but I found none from the stores.

For the readers' convenience, I am reposting the YOUTUBE video(s) below. Find time to check youtube for more information. Thank you to the original uploader.

1. Bumala ka ay Buwan (Lumabas ka, Buwan)

Bumala ka ay buwan (Lumabas ka, buwan)
Ta mailay pandanan (Upang ma-aninag ang daanan)
Ta ameyak kod ay ilan (Upang mapuntahan ko at makita)
Din gayyem kod Mankayan (Ang kasintahan ko sa Mankayan)
Tan enggay si balasang (Dahil nag-iisa siyang dilag)
Si eyak kapusuan (Na tinitibok ng puso ko)
Siyat pay et en il-ilan (Kailangan siyang bantayan)
Binigat si binuwan (araw-araw, buwan-buwan)
Il-ilak karibal ko (Kinikilatis ko ang mga karibal ko)
Kaman dan sigsiguro (Sila ay mayayabang)
Kamannak et kapat-o (Parang gusto ko silang hampasin)
Sin sakit di nemnem ko (Dahil sa sama ng loob ko)
Ipigpigsam ay dagem (Lakasan mo, hangin)
Ta itayaw mo nan nemnem (Upang matangay mo ang aking pag-iisip)
Tan nay ay kasemsemsem (Dahil heto’t nakakalungkot)
Nan iyat di gagayem (Mga ginagawa ng mga kaibigan)
Ipigpisam ay dawang (Lakasan mo, uma-agos na tubig)
Ta waday pan-anudan (Upang ako ay ma-anod)
Tan nay ay kaseseg-ang (dahil heto’t nakapagpakamamatay)
Nan iyat di babaknang (Itong ginagawa ng mga mayayaman)
Entako et mankusnong (Punta na lang tayo’t lumubog)
Sin ay gawa din pusod (Sa gitna ng talon)
Ta ammey et en dengen (upang ating marinig)
Salidomay di danom (Sintimiyento ng tubig )


No comments:

Post a Comment