Monday, October 18, 2010

Kankanaey Song - Goodbye Susan

Kultura at Kaugalian sa Pakikipagrelasyon Ayon sa mga Awiting Bayan sa Wikang Kankanaey.

Totoong laman ng mga awiting bayan sa wikang Kankanaey ang mga kultura at kaugulian ng mga katutubo sa Benguet. Ang pangangailangan ng mga piling hayop na ginagamit sa ritwal ng kasal, Ang paggalang ng mga nakakatanda at mga magulang, Ang pagpapahalaga ng kalikasan, ang pakikitungo sa kalikasan katulad ng buwan at araw, at ang pananalig sa Panginoon ay ilan sa mga kultura at kaugalian na pinapahiwatig ng mga awiting bayan. Tapat ang mga katutubo sa mga kulutra at kaugilian ngunit nagbabadya sa isang awit na may mga katutubong nais suwayin ang mga kaugalian, partikular sa pangngaliangan ng maraming hayop pag magpapakasal.

Nais ko kayong anyayahan upang basahin ang aking ginawang pagsasalin sa ilang mga awiting bayan sa Kankanaey. Nasa iba't ibang pahina ng blog na ito ang ilan sa mga awiting bayan.

Goodbye Susan

Goodbye Susan, mabay-an ka, adam man-ug-uga
(Goodbye Susan, maiwan ka, huwag kang iiyak.)

Ammeyak ed layasan, say ‘yak pantet-te-an.
(Pupunta ako sa malayo, doon ako titira)

Tan nay adak kabaelan din dawat da amam (2x)
(Dahil heto’t hindi ko makayanan ang hinihingi ng magulang mo) (2x)

No nak nemnemen din nakuykuyagan ta
(Kung naaalala ko ang mga pinagsamahan natin)

Magay sungsungbat ta si nan ibawan ta
(Wala tayong sagutan at pinag-awayan)

Am-in ay kali ta nantimpu-timpuyog da(2x)
(Lahat ng usapan natin ay nagkaka-isa) (2x)

Ad-ado ay lugar di nanpaspasyaran ta ya sini-an ay nanbuy-buyaan ta
(Marami na tayong lugar na napasyalan at sinehan na pinagpanooran)

Din kinaragsak ta et kaman magay kopas na(2x)
(Parang walang katapusan ang ating kaligayahan.)

No eyak il-ilan din inis-e-is-ek ta, arubayan di ba-ey yo
(Kung minasmasdan ko ang mga itinanim natin, sa gilid ng bahay ninyo)

Talong ay ad-ado, man-gagaybeng da, namungamunga da
(Maraming talong, malalago at maraming bunga)

Ngem nay ammeyyak Goodbye Susan
(Pero heto’t aalis ako, Goodbye Susan)

Nay ed wani, dumateng ay ikari
(Heto ngayon, dumating ang pagpapangako)

Siyat enika baw kaunan si tulo ay nuwang
(Kailangan pala kitang pakasalan gamit ang tatlong kalabaw)

Ngem adak kabaelan san dawat da amam
(Pero hindi ko kaya ang hinihingi ng magulang mo)

Adak kabaelan san dawat da amam
(Hindi ko kaya ang hinihingi ng magulang mo)

Isunga kanak en uway adin sik-a
(Kaya sabi ko, ikaw na ang bahala)

Tan nu pay si da ama et magay mabalin da
(Kasi kung sa mga magulang ang tatanungin, sila’y kapos palad.)

Kanak en mo san pusom di ay turayem(2x)
(Akala ko ang puso mo ang susundin mo) (2x)

Mansakit di ay pusok gapu en sik-a
(Masakit ang puso ko dahil sa iyo)

Ngem no ay ipapatim san dawat da amam
(Pero kung susundin mo ang gusto ng magulang mo)

Alam san tulo ay nuwang ta say asawam (2x)
(Kunin mo ‘yang tatlong kalabaw para sila ang asawa mo.)




No comments:

Post a Comment