".... Continuation of my posting on Kankanaey Literature..."
Kabilang ang Kankanaey sa mga wika sa Pilipinas na walang sariling morpolohiya. Katulad ng nakasaad sa aklat ni Garcia, et al (2009), ni ang Bisaya at ang Ilokano ay walang abakadang anuman maliban sa abakadang Tagalog. Ang abakadang Tagalog ay siyang tanging ginagamit ng mga manunulat sa mga iba’t ibang wika sa Pilipinas. Ang mga manunulat ay gumagawa ng bahagyang pagbabago sa abakadang Tagalog alinsunod sa kanilang sariling pamamaraan gamit ang kanilang wika.
Pinapatunayan ng mga teksto ng mga ibang awiting Kankanaey na nasusulat sa mga tinatawag ng “songhits” na abakadang Tagalog nga ang sinusundan pag ginagawa ang titik ng mga awitin. Dahil dito, ang abakadang Tagalog ang siyang pamantayan ng may akda sa pagsusulat ng teksto ng mga awiting bayan batay sa narinig na mga tunog para dito. Bagamat abakadang Filipino ang tawag sa dating abakadang Tagalog, wala itong magiging epekto sa pagsasalin ng mga awiting bayan. Bugna niuto maari ring sabihin na ang pagsasalin sa ulat na ito ay mula sa wikang Kankanaey patungo sa wikang Filipino.
Ang ponolohiya din ay katulad ng sa Filipino. Ang simple ngunit pamantayan na kung ano ang baybay siya rin ang bigkas ay nasusunod sa wikang Kankanaey. Maaring ang pinakamahalagang bigyang diin ay ang pagkaka-iba ng pagbigkas ng titik e at titik i. Katulad ng tunog ng i sa bigkas ang salitang Filipino na titik ang tunog ng i sa salitang Kankanaey. Ang titik na e sa mga salitang Kankanaey ay binibigkas sa katulad ng pagbigkas sa letrang e salitang Ingles na “amen”.
No Laydem Suma-a Ta (Kung gusto mo, umuwi tayo.)
No laydem ay mangila (Kung gusto mong makita)
Suma-a tad babaey da ama (Umuwi tayo sa bahay ng mga magulang ko)
Ngem anusam ta mandan tas esay agew ya kagudwa (Pero magtiyaga ka at tayo ay maglalakad ng isang araw at kalahati)
Ta nu wada tas nan danan, apat ta di enta liwliwa (Kung tayo ay nasa daan, mag-uusap tayo upang malibang)
Kaman kayman tan linglingan ada-adawi ay danan (At nang makalimutan natin na ang daan ay pagkalayu-layo)
Dumateng ta ed ili ya ilam din baey mi (Kung darating tayo sa amin at makikita mo ang bahay namin)
Inapa ay kanan da (Kubo ang tawag nila)
San apat di a-nam-a (Sa wika ng mga matatanda)
No ilam da ama en ina, adikan madisdismaya (Kung makikita mo sina tatay at nanay, huwag kang madidismaya)
Tan nu ilam din bado, di galot ay kanan da (Dahil kung makita mo ang damit nila, di-tali kung tawagin)
No pay abe ya nan kanen mi (Kung tungkol naman sa kinakain namin)
Yan san makwani ay togi, inasinan ay nateng yan say en pangisibuan (Ang tinatawag nilang kamote, nilagyan ng asin na gulay naman ang ulam namin)
No pay abe esnan ubla (kung tungkol naman sa hanapbuhay)
Man-gabyon ya man-gaat (Pagbubungkal at pagkaka-ingin)
Ta waday en mulaan tan say en kataguan (Upang may pagtataniman dahil siya ang aming ikabubuhay)
Agew kas tangtangaden (Araw na tinitihaya)
Buwan kas buybuyaen (Buwan na pinapanood)
Enkayo kod et en itunton layad mis en manliweng (Bigyan ninyo ng daan ang aming pag-iibigan upang ito ay maging malinaw.)
No laydem et ay mangila (kung gusto mong makita)
Suma-a tad baey da ama (umuwi tayo sa bahay nila tatay)
Ngem san kanak ay ta mandan tas esay agew ya kagudwa (2x) (pero katula ng sinabi ko, maglalakad tayo ng isang araw at kalahati). (2x)
No comments:
Post a Comment